![]() |
| Kaawa-awang bata sa sinapupunan |
Sa kasalukuyan, kinahaharap ng ating
bansa ang lumaking bilang ng populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang
labin-dalawang milyon na ang bilang ng mga Pilipino sa Pilipinas at araw-araw
ay nadaragdagan pa ito ayon sa pag-aaral ng National Statistic Office (NSO).
Dahil sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa
legal na edad, patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga
kababayan tungkol sa paglobo ng populasyon na karaniwang nagiging dahilan hindi
lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa ng aborsyon.
Ilang taon ng pinag-uusapan ang
pagpapalegal ng aborsyon sa ating bansa. ‘Di basta-basta ang pagpapatupad nito
dahil ang ating bansa ay isang demokratik, na mas inuuna ng isipin ang
pagpapahalaga ng relihiyon sa buhay ng tao.
Takot
Ayon kay Gil (2011), Dala marahil ng
kapusukan kaya humantong ang mga batang ina sa kanilang sitwasyon. Karaniwang
rebelde, mapageksperimento at agresibo ang mga kabataan sa kasalukuyan. Ilan
ito sa mga nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng marami. Ngunit kapag
humantong na sila sa ganitong sitwasyon, takot na ang namamayani. At ang
mabilis maisip at epektibong paraan upang takasan ito ay aborsyon.
Kahihiyan
Ayon kay Bautista (2011), Sa lipunang
ating kinabibilangan, isang malaking kahihiyan hindi lamang sa ina kundi sa
kanyang buong pamilya ang magdalantao nang wala pa sa wastong gulang. Bagamat
dumarami na ang mga ganitong kaso sa kasalukuyan, ang kaugaliang pagiging
konserbatibo sa ating mga Pilipino rin ang nawawala. Isang makasalanang babae
ang tingin sa babaeng nabuntis habang bata pa siya. Dadalhin niya ang ganitong
pagtingin ng kanyang lipunan hanggang kamatayan.
Kasalanan
Ayon kay Gil (2011), Sa ibang pagkakataon
nama’y dulot ng masamang pangayayari o pang-aabuso ang dahilan ng pagbubuntis
ng batang ina. Ang sanggol na nabuo sa sinapupunan ng isang babe, ito man ay
dulot ng pagiging mapusok o ng makamundong kasalanan ay inosente at walang
kalaban-laban. Kung ang desisyong pag-abort ay ginagawa para lamang sa sariling
kagustuhan o upang matakpan ang dungis ng kahihiyang idudulot nito, hindi ito
sapat upang may isang batang magbuwis ng sariling buhay.
Paano nga ba matatanggap ng kanyang
pamilya at lipunan ang sanggol na bunga ng isang kasalanan? Kakayanin nga ba ng
isang batang ina ang makapiling habambuhayang isang batang paulit-ulit lamang
na makapgpapaalala sa kanyang malupit na karanasan? Ano’t ano pa man ang mga
kadahilanan, marapat sana nating lahat na alalahanin ang mga turo ng simbahan
at paaralan.

No comments:
Post a Comment